16 February 2009

Nakakamiss mainlove

Kapag Sinabi Ko Sa 'Yo

ni Gary Granada

Kapag sinabi ko sa 'yo na ika'y minamahal

Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal

Na di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan

O di kaya'y sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa 'yo na ika'y iniibig

Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig

Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan --

Dala-dala kahit saan pang araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko sa iyo'y di ko matitiyak

Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak

Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot

Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa 'yo na ika'y sinisinta

Sana'y ibigin mo akong mulat ang iyong mga mata

Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan

Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig

Upang doo'y payabungin isang malayang pag-ibig

Kapag sinabi ko sa'yo na ika'y sinusuyo

Sana'y yakapin mo akong kasama ang aking mundo...

No comments:

Post a Comment

Be nice. No spam comments please. :D